-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Patuloy ang pagbuhos ng mga turista sa isla ng Boracay kahit muling isinailalim ang Aklan sa general community quarantine (GCQ) simula Hulyo 1 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng Malay Tourism Office, umabot sa 23,599 ang mga turistang nagbakasyon simula Hunyo 1 hanggang 30.
Sa naturang bilang, nangunguna dito ang mga turista mula sa NCR na umabot sa 15,075.
Ito ay sinundan ng mga taga Calabarzon na nakapagtala ng 6,150.
Pumangatlo ang nagmula sa Central Luzon na may 1,736.
Samantala, todo bantay rin ang pulisya sa pagpapatupad ng health protocols kagaya ng pagsusuot ng face masks at face shields, kasama ang social distancing.