-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tuloy-tuloy ang pagrerehistro ng mga turista sa VISITA Application ng Baguio City para pagbubukas muli ng turismo sa siudad.

Sa datos ng City Tourism Office, aabot na sa 1, 249 ang bilang ng mga turista a nagrehistro sa nasabing application.

Mula sa nasabing bilang, 107 ang mga indibibidual na nagsimula na para sa travel request kung saan 46 dito ang mula sa rehiyon 1; 32 ang mula sa
National Capital Region (NCR); 14 sa Region 3; 10 sa Region4A; apat mula sa Cordillera, at isa mula sa USA.

Gayunpaman, iginiit ng nasabing opisina na ang mga turista lamang mula sa Region 1 ang mapapahintulutang makapasyar sa Baguio City.

Maaalalang noong Oktubre 1 ay nagbukas muli ang Baguio City sa mga turista a mangagagaling sa Ilocos Region.