-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang dayo matapos itong malunod sa karagatang sakop sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Noel Bryan Bacadeo, 30, isang computer shop helper na residente ng Km. 5, Green Valley Dontogan sa siyudad ng Baguio.

Sa impormasyon mula sa mga kapulisan, sa may bahagi nang Brgy. Nibaliw Magliba nakita ang palutang-lutang na katawan ng biktima.

Huli itong nakita noong hapon nang araw ng pasko o December 25 kung saan wala umanong nakapansin na siya ay nalunod.

Sa ngayon ay nakatakdang iuwi ang labi ng biktima sa siyudad ng Baguio upang doon ito paglamayan.

Paulit-ulit naman na paalala ng mga otoridad na huwag pupunta sa malalim na parte ng dagat kung hindi marunong lumangoy at wag-wag nang susuong sa tubig kapag nasa impluwensiya ng alak.