-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pinag-iingat nga organizer ng Baguio Flower Festival o ng Panagbenga ang publiko kontra sa mga peke na pera kasabay ng mga main events ng festival.

Ayon kay Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI) co-chairman Fredie Alquiros, noong nakaraang taon ay may naging biktima ng paglaganap ng pekeng pera.

Aniya, kailangang tingnan din nang mabuti ng publiko ang tinatanggap nilang papel na pera mula sa mga kostumer.

Dinagdag pa niya na responsibilidad ng bawat isa na magreport sa mga pulis kung may makita silang mga hindi mapagkakatiwalaan na galaw ng mga indibidwal.

Samantala, isasagawa ngayong araw ang grand street dance parade kung saan inaasahan ang mas makukulay at masisiglang performances mula sa mga competing at non-competing participants.

Una nang sinabi ng organizer na may mga contigents mula sa Iloilo City at Ilocos Norte na makikibahagi sa street dancing parade.