-- Advertisements --

Pagmumultahin ng P200,000 ang mga turistang mahuhuling nagsu-smuggle ng meat products papasok sa Pilipinas.

Ginawa ni Agriculture Sec. Emmanuel F. Piñol ang naturang pahayag matapos na makitaan ng ligal na basehan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpataw ng naturang multa.

Ayon kay Piñol, hindi na niya kailangan pang maglabas ng memorandum order para sa multang ito dahil existing naman na raw ito sa mga batas sa Pilipinas.

Subalit, maari aniyang maglalabas pa rin siya ng advisory upang mapaalalahanan ang publiko hinggil sa multang ito.

Sinabi naman ni Bureau of Animal Industry-ASF Task Force Head May Magno sa isang panayam na ang Republic Act 9296, na naamiyendahan ng RA 10536, oa ang Meat Inspection Code of the Philippines, ay nagsasaad ng multa sa pagpapasok ng meat products sa bansa na walang proper clearance.

Sa ilalim ng RA 10546, ang confiscation ng “hot meat” ay may corresponding na multa na P200,000 para sa first offense, P350,000 naman para sa second offense at multang P500,000 para sa third at succeeding offenses.