-- Advertisements --

Binuksan na ng Turkiye ang border gate nila ng Syria para makabalik na sa kanilang bansa ang mga refugee.

Sinabi ni President Recep Tayyip Erdogan, na kanilang binuksan na ang Yayladagi border gate ng Syria para sa ligtas at boluntaryong pagbabalik ng ilang milyong Syrian refugees.

Suportado aniya nila ang muling pagbangon ng bansang Syria kaya handa silang tulungan ang mga ito.

Paglilinaw naman nito na kaniyang hindi papayagang makapasokang mga bagong “terorista” na tatayo sa mga borders.