-- Advertisements --
Mas dinagdagan pa ng Turkey ang kanilang militar na nagbabantay sa border nila ng Syria matapos ang pagtanggal ng mga US troop mula north-eastern Syria.
Naglagay ng mga convoy trucks na may kargang mga armadong sundalo sa Turkish border sa bayan ng Akcakale.
Nauna ng idinepensa ni Trump ang kaniyang desisyon sa pagtanggal nito ng ga sundalo at sinabing hindi nito inabandona ang mga Kurdish forces.
Naging mahigpit kasi na kaalyado ng US ang mga Kurdish forces sa paglaban sa mga Islamic State sa lugar.
Ang nasabing desisyon ay kinondina ng maraming mga opisyal ng US at maging ang ibang bansa.