-- Advertisements --

Gagamitin umano ng Turkey ang nabili nilang S-400 missile defense system sa Russia sa kabila ng bantang sanction ng Estados Unidos.

Una rito, ang pagbili ng Russian system at ang pag-deliver nito kalaunan noong Hulyo ang naging ugat ng gusot sa pagitan ng Turkey at Estados Unidos na magkaalyado rin sa NATO.

Noong nakalipas na buwan, sinabi ng Washington na hindi nila papatawan ng sanction ang Ankara kung hindi nila gagamitin ang S-400 system.

“It is not a correct approach to say ‘we will not use for someone else’s sake’ a system we had purchased out of our need and we paid that amount of money,” wika ni Ismail Demir, pinuno ng government body na Defense Industry Directorate.

“We will do our duty and (the system) will become usable. How it will be used is a decision to be made later,” dagdag nito.

“We should respect the agreement we signed and that’s what suits us as a country.”

Naungkat ang isyu nang magpulong sina Turkish President Recep Tayyip Erdogan at ang kanyang US counterpart na si Donald Trump sa Washington ngayong linggo.

Ayon kay Trump, ang kontrobersyal na pagbili ng Turkey ay gumawa ng “serious challenges” para sa Washington, at agad na raw kumilos ang kanilang mga opisyal upang ayusin ang isyu.

Inalis ang Turkey sa F-35 fighter jet program bilang kinahinatnan ng kanilang ginawa. (AFP)