Nagsagawa ng airstrikes ang Air Force ng Turkey sa kuta ng Kurdish militant groups sa Iraq at Syria.
Ang nasabing habang ay bilang ganti sa ginawang pag-atake sa aviation company ng gobyerno ng Turkey na nagresulta sa pagkasawi ng limang katao.
Kinumpirma ito ng Ministry of National Defense kung saan mayroog 47 targets ang kanilang matagumpay na tinamaan.
Hindi na nagbigay pa sila ng ibang detalye ukol sa ginawang aerial offense.
Sinabi naman ni Defence Minister Yasar Guler na tinarget ng Turkish forces ang 29 na lugar sa northern Iraq at 18 naman sa northern Syria.
Ayon naman sa US-backed Syrian Democratic Forces na dahil sa air-attacks ng Turkey sa northern at eastern Syria ay ikinasawi ng 12 sibilyan kabilang ang dalawang bata at ikinasugat ng 25 iba pa.
Itinuturing ng Turkey na ang Kurdish People’s Protection Units (YPG) ay terrorist organization na may kaugnayan sa Kurdistan Workers’ Party (PKK) na siyang nasa likod ng pag-atake sa Aerospace company sa Ankara na ikinasawi ng limang tao.