-- Advertisements --

Direktang inakusahan naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na siyang responsable sa pagtaas ng tensyon sa Middle East.

Sinabi nito na ang Israel ang siyang lumikha talaga ng kaguluhan sa Middle East.

Inihalimbawa nito ang ginawang pag-atake ng Israel sa embahada ng Iran sa Damascus na ikinasawi ng ilang mga katao.

Hindi aniya matatapos ang kaguluhan sa Middle East hanggat andiyan ang nagaganap na genocide at pananakit sa Gaza.