-- Advertisements --
Libya Tripoli battle
The view from the rooftop of Phil. Embassy in Tripoli after an explosion (file photo from @elmer_cato)

Inanunsiyo ngayon ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na magpapadala na rin sila ng tropa ng militar upang idepensa ang gobyerno ng Libya na kinikilala ng United Nations bilang Government of National Accord (GNA).

Ayon kay Erdogan mismong ang gobyerno ng naturang north African country ang humiling ng tulong.

Pero kailangan pa ito ng pagsang-ayon ng Turkish parliament bago ang deployment.

Sinabi ni Erdogan na ipipresenta niya sa January 7, 2020 ang bill para sa deployment legislation.

Binabalak din ng Turkish leader na magpanukala ng ceasefire.

Kung maaalala mula ng mapatalsik at mapatay ang Libyang leader na si Muammar Gaddafi ay nahati ang bansa sa mga magkakaribal na armadong grupo.

Mula noong buwan ng Abril ang renegade military commander na si Khalifa Haftar at itinuturing na self-styled Libyan National Army (LNA) ay unti-unti umuusad patungo sa capital na Tripoli upang patalsikin sa puwesto ang GNA.

Inaakusahan kasi ni Haftar ang GNA na nagkakanlong daw ng mga terorista.