-- Advertisements --
Turkish President Erdogan
Turkish President Erdogan/ IG post

Nagbanta ang pangulo ng Turkey na kanilang itutuloy ang opensiba sakaling hindi pa umalis ang mga Kurdish fighters sa border ng Syria bago matapos ang itinakdang ceasefire.

Mayroon pa kasing mahigit na 1,300 na People’s Protection Units militia members ang kailangan na umalis bago matapos ang deadline ng ceasefire sa Miyerkules.

Nauna rito pumayag si Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa hiling ng US na itigil muna ang opensiba sa border ng Syria.

Sinimulan ng Turkey ang opensiba noong Oktubre 9 para itayo ang 32 km. deep “safe zone” sa Syria.