-- Advertisements --
Nagbanta ang Turkey na kanilang muling bubuksan ang rota ng mga Syrian refugees para makapasok sa Europa.
Ito ay kapag hindi sila nakakuha ng international support ang bansa para gumawa ng safe zone sa northern Syria.
Sinabi ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na mahalaga ang logistical support para makagawa sila ang safe zone sa north-east Syria.
Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 3.6 million Syrians ang nasa Turkey na lumikas dahil sa nagaganap civil war.
Suportado naman ng US ang hiling na ito ng Turkey.