-- Advertisements --
Magpapadala ng mga sundalo ang Turkey sa bansang Libya para mamagitan sa nagaganap na civilwar doon.
Ang nasabing hakbang ay laman ng panukalang batas na ipinasa ng Turkish parliament.
Nakakuha ito ng 325 na pumabor kumpara sa 184 na kumontra.
Ang nasabing panukalang batas ay maglalagay ng mga non-combat troops na magiging advisers at trainers ng mga government forces laban kay Gen. Haftar.
Kinondina naman ng Egypt ang hakbang ito ng Turkey dahil makakaapekto aniya ito sa katahimikan ng Mediterranean region.
Nagkakaroon kasi ng kaguluhan sa Libya mula sa insurgency forces na pinamumunuan ni General Kahlifa Haftar na nakabase sa eastern Libya.