-- Advertisements --
Pagbabawalan muna ng Turkish government ang mga mamamayan mula sa Iraq, Syria at Yemen na magtungo sa Belarus.
Ito ay dahil sa para mapigilan ang pagdami ng mga migrant na tumatawid sa Belarus.
Ayon sa Civil Aviation Authority ng Turkey na ang ang kanilang hakbang ay dahil sa maraming mga iligal migrant ang tumatawid na mula Belarus patungong European Union (EU).
Inakusahan kasi ng UN Security Council ang Belarus na ginagamit ang migrants para ma-distabilise ang eastern border ng EU.
Hinikayat din ng EU ang ilang mga bansa sa Middle East na gumawa rin ng hakbang gaya ng kanilang ginawa.
Nagbanta naman si Belars leader Alexander Lukashenko na kaniyang puputulin ang suplay ng gas sa Europe kapag mayroong bagong sanctions na ipapataw sa kanila.