-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Pinaghahandaan na ng bansang Turkey ang posibleng pagtama ng mas malakas na 7.5 na lindol kasunod ng 6.7 magnitude quake na tumama sa eastern Elazig province noong Byernes ng gabi, kung saan nasa pata na pot isa 41 ang kompirmadong namatay sa pagtatapos ng search at rescue operation.

Nasa mahigit 1,607 naman ang na hospital at apat na pot lima 45 ang na rescue sa three-day operation ng Turkish government kabilang na ang dalawang taong gulang na bata.

Bahagi ng paghahanda nila ang pagpapa demolish ng apat na pot dalawang 42 na building sa hard-hit areas na nasa danger of collapsing ang status matapos inispeksyon ang 1,521 buildings, 76 dito nag collapse at 645 naman heavily damaged.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Alvin Alvizo, Pinoy na tubong Batangas at nakatira ngayon sa Istanbul, Turkey, pinagpasalamat nila na walang nasaktang mga Pinoy sa nasabing lindol pero nalulungkot din dahil sa marami ang nasawi. Kahapon aniya ay naramdaman naman ang 5.1 na lindol sa Izmir kaya labis naghahanda ang Turkish government.

Sa ngayon ay patuloy ang pamimigay ng pagkain at relief supplies sa mga nawalan ng tirahan habang sinusubokan ng gobyerno na magpatayo ng temporaryong mga bahay sa lalong madaling panahon.