Sinimulan na ng Turkey ang pag-atake sa north-eastern Syria matapos ang anunsiyo ng US na pagtanggal nila ng kanilang mga sundalo.
Ayon kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan, na ang nasabing operasyon ay para makagawa ng “safe zone” at malinisan sa mga Kurdish militias na kumakandong ng mga Syrian refugees.
Paglilinaw pa nito na nais lamang nilang maiwasan na magkaroon ng kaguluhan sa kanilang border at madala ang kapayapaan sa nasabing lugar.
Gamit ang mga Turkisha at ground forces ay tuluyang inatake ang nasabing border.
Magugunitang inanunsiyo ni US President Donald Trump na tinawagan siya ni Erdogan sa pag-withdraw ng mga US troops sa northern Syria.
Maraming mga pagsabog ang naiulat sa border sa bayan ng Ras al-Ain at sa Tal Abyad.