Tahimik pa rin ang panig ng Turkey matapos magdesisyon ng United States na tuluyang tanggalin ang naturang bansa mula sa kanilang F-35 fighter jets programme.
Ito ay matapos matanggap ng Ankara ang ilan sa mga unang parte ng kanilang Russian missile defence system na pinadala ng Russia patungong Turkey noong nakaraang linggo.
Sa inilabas na opisyal na pahayag ng Estados Unidos, hindi raw maaaring sabay na mag exist ang F-35 kasama ang nasabing Russian intelligence collection platform.
Ayon pa kay White House spokeswoman Stephanie Grisham,
“The United States has been actively working with Turkey to provide air
Ngunit ayon kay Grisham, pinapahalagahan pa rin daw ng United States ang strategic relationship nito kasama ang Turkey.
“As Nato allies, our relationship is multi-layered, and not solely focused on the F-35,” ani Grisham.