-- Advertisements --
Sinimulan na ng Turkey ang pagtanggal ng kanilang mga sundalo na nakatalaga sa Afghanistan.
Sinabi ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na ginawa nila ang nasabing hakbang para maging maayos ang kalagayan ng Afghanistan.
Aabot lamang kasi sa 500 na sundalo ng Turkey na bahagi ng NATO Forces ang nasa Afghanistan.
Tiniyak din nito na patuloy ang kanilang gagawing pagkikipag-ugnayan sa Afghanistan ukol sa nasabing usapin.