Hindi tinanggap ng Turkey foreign ministry ang naging pahayag ng Greek at European Union officials na labag umano sa batas ang ginagawa nitong pagkuha ng langis mula sa karagatan ng bansang Cyprus.
Noong buwan ng Mayo nang simulan ng barko na pagmamay-ari ng Turkey ang drilling activities nito sa Kanlurang bahagi ng Mediterranean island.
Ipinag-utos naman ng US State Department sa Turkish authorities ang pagtigil ng nasabing drilling operations ilang araw matapos pumalag ang Cyprus sa gawaing ito.
Ayon sa US State Department, lubos umano na nababahala ang Unioted States sa paulit-ulit na sinusubukan ng Turkey na magsagawa ng drilling operations mula sa karagatan ng Cyprus.
Hinikayat din nito ang ilan pang bansa na itigil na ang ganitong aksyon dahil maaari lamang daw itong magbunsod ng tensyon sa rehiyon.