-- Advertisements --

Nag-emergency landing ang isang Turkish Airlines jetliners matapos ang pagkasawi ang piloto.

Ang nasabing eroplano ay mula sa Seattle patungong Istanbul ng masawi ang piloto.

Ayon kay Yahya Ustun ang tagapagsalita ng Turkish Airlines na matapos ang pag-take off ng eroplano sa Seattle ay bigla na lamang nawalan ng malay ang 59-anyos na si İlçehin Pehlivan.

Dahil dito ay napilitang nag emergency ang Airbus 350 sa John F. Kennedy International Airport.

Dinala pa sa pagamutan ang piloto subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Mula pa sa taong 2007 ay empleyado ng airline ang piloto ay nitong Marso ng isagawa ang routine health check at walang nakitang anumang sakit ang piloto.