LAOAG CITY – Nais ng Turkish at Russian Ambassador na magtatag ng green renewable energy sa Ilocos Norte.
Ito ang kanilang naging anunsyo sa kanilang pagbisita sa probinsiya.
Ayon kay Turkish Ambassador Niyazi Evren Akyol, mahalagang bumisita sila sa iba’t ibang lugar sa bansa upang malaman ang kasaysayan, kultura at pamana kasama na ang potensyal para sa isang maunlad na ekonomiya.
Aniya, nakipag-usap siya kay Mayor Michael Marcos Keon tungkol sa mga posibleng lugar ng korporasyon tulad ng mga construction project.
Malaki ang pasasalamat niya sa mainit na pagtanggap sa kanila sa probinsiya.
Ito aniya ang kanyang unang pagbisita sa probinsiya kung saan umaasa siyang marami pang magagandang mangyayari sa kanilang pananatili sa bansa.
Kaugnay nito, layunin din niyang ialay sa lalawigan ang mga alalahanin sa sektor ng agrikultura tulad ng mga makinang pang-agrikultura, pataba at iba pa.
Dagdag pa niya, may partnership sila sa Mariano Marcos State University para sa pagsusulong ng edukasyon.
Samantala, inihayag naman ni Russian Ambassador Marat Ignatyevich Pavlov na umaasa siya na magiging mabunga ang kanilang pagbisita dito sa Ilocos Norte.