Daan daan mga teroristang ISIL na nakakulong sa northeastern Syria ang mga nakapuga umano habang nasa gitna nang opensiba ang Turkey.
Ayon sa statement ng Kurdish-led administration sa northern Syria, nasa 859 na mga suspected members ng tinaguriang Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL or ISIS) at iba pang mga dayuhang bilanggo ang tumakas sa kani-kanilang mga detention facility sa lugar na Ain Issa.
May ilan umanong naarestong muli na mga terorista pero nagbabala ang isang senior official ng Kurdish government na maaring mabuhay muli ang mga gawain ng mga terorista at magsagawa ng panibagong pag-atake.
Ang Kurdish o Syrian Democratic Forces (SDF) ay kaalyado ng Amrerika pero tuluyan na ngang inabandona ng US forces ang rehiyon na siyang sinamantala nang pagsalakay ng Turkey.
Hangad daw kasi ng Turkey na sa pagtaboy nila sa SDF ay makakabuo sila ng “safe zone” upang pabalikin sa Syria ang nasa 3.6 million refugees.
Samantala, mariin namang pinabulaanan ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang napaulat na prison break ng mahigit 800 mga terorista at tinawag lamang ito na “disinformation.”
Para kay Erdogan ang naturang impormasyon ay naglalayong mahikayat at magalit ang Amerika at iba pang mga western countries.
Nasa ikalimang araw na ngayon ang operasyon ng ground troops ng Turkey sa mga lugar na kontrolado ng