-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang mahigpit na pagpapatupad ng building regulations sa kanilang bansa para hindi maulit na maraming mga gusali ang gumuho kapag dumaan ang lindol.

Isinagawa nito ang pahayag matapos ang ginawang pag-iikot sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7.8 na lindol isang linggong mahigit na ang nakakalipas.

Nagsagawa na rin ng gobyerno ng Turke ng imbestigasyon sa mga gumuhong gusali.

Magugunitang nasa mahigit 40,000 katao na ang nasawi sa naganap na lindol sa Turkey at Syria kung saan tuloy-tuloy din ang ginagawang search and rescue operations ng mga rescuers mula sa iba’t-ibang mga bansa.