-- Advertisements --

Idineklara ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan bilang “persona non grata” o “unwelcome person” ang ambassador ng 10 bansa kabilang ang US, France at Germany.

Ito ay matapos ang panawagan na pagpapalaya sa nakakulong na Turkish businessman at philanthropist na si Osman Kavala.

Sinabi nito na kaniyang inatasan na ang kanilang minister of foreign affairs ukol sa nasabing kautusan.

Nararapat aniya na ang mga ito ay lumayas na sa kanilang bansa.

Ang hakbang ay isinagawa matapos na ipatawag ng Turkey ang mga ambassadors ng US, Germany, France, Canada, Denmark, The Netherlands, Finland, New Zealand, Norway at Sweden matapos na manawagan sa pagpapalaya kay Kavala dahil sa tagal na nitong nakakulong.