-- Advertisements --
turkey erdogan
Turkey President Recep Tayyip Erdogan

Binantaan ng Turkey ang Syria na magbabayad sila sa ginawang pag-atake sa kanilang sundalo na nakatalaga sa north-west Syria.

Sinabi ni Turkish President Tayyip Erdogan, na hindi nila palalampasin ang pangyayari at titiyakin na sila ay gaganti.

Reaksyon ito ng Turkey sa nangyaring pagpatay sa limang sundalo ng Turkey ang nasawi sa isinagawang opensiba ng Syria.

Sa ngayon ay kontrolado na ng Syria ang main north-south highway.