-- Advertisements --


LEGAZPI CITY – Aminado ang ilang Filipino immigrants sa Estados Unidos na marami pang nalilito sa magiging pasya kung sino ang ibobotong susunod na lider ng Amerika.

Ito matapos ang huling debate nina US President Donald Trump ng Republican Party at Democratic Party nominee former Vice President Joe Biden.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Gerwin Gerry Alforte Grutas, residente ng Lakewood, Washington, naoobserbaran na marami ang nadismaya kay Trump sa kasalukuyang mga polisiya subalit marami naman ang hindi kumpiyansa sa magiging pamumuno ni Biden.

Ayon sa Filipino community sa Washington, nakakalamang si Trump kung ekonomiya ang pag-uusapan lalo pa at negosyante ito bago pumasok sa politika, subalit naapektudan dapit sa COVID-19 response.

Iginiit ni Grutas na nangingibabaw naman sa US ang respeto sa lahi gayundin sa mismong karakter ng isang tao.

Isa pa sa ikinabigla ng Filipino community ang mabilis na “turn-in” ng mga balota na senyales ng mabilis na pagboto kumpara sa nakalipas na mga halalan.