COTABATO CITY — Ipinamahagi na ng Ministeryo sa Kalusugan o Ministry of Health ang mga tulong medikal para sa mga mahihirap at kapos na mga pasyente, mga Patient Transport Vehicles maging ang mga insentibo para sa Barangay Health Workers na mula sa TDIF o Transitional Development Intact Fund, kasabay ng selebrasyon ng ikalimang taong pagkakatatag ng BARMM.
Aabot sa 53.8 milyon ang para sa tulong medikal at 30.9 na milyon naman ang para sa insentibo ng mga BHW’s.
Pinondohan ito ng MOH sa tulong na din ng mga donasyon ng mga lingkod bayan, mga institution at indibiduak at maging ng Department of Health.
Nagpauna sa seremonya ang Deputy Health Minister na si Dr. Zul Abas at nagpasalamat ito sa lahat ng nakiisa at nagmalasakit upang mapaganda ang serbisyong pangkalusugan sa rehiyon at sa pamamagitan nito ayon kay Abas, maaabot ng tulong na ito ang mga nasa malalayong ibayo at geographically isolated areas na sakop ng rehiyong Bangsamoro.