-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Nagpakawala muli ng umaabot sa 94 strong baby olive ridley turtle (Lepidochelys olivacea) ang Local Government Unit (LGU) Malay sa Puka Beach sa Sitio Tambisaan, Barangay Manoc-Manoc sa isla ng Boracay.
Sinabi ni Haron Deo Vargas, marine biologist ng LGU-Malay, na ang mga pawikan hatchlings ay inalagaan ni Gavino Inguillo na residente sa naturang lugar.
Dagdag pa ni Vargas, nagpapatunay lamang umano ito na lubusang malinis na ang tubig sa isla dahil sa panunumbalik ng mga pawikan sa kanilang pangitlugan.
Nabatid na kamakailan lamang ay kabuuang 142 na mga maliliit na pawikan ang matagumpay na pinakawalan sa dagat at ang naturang memorable moments ay matiyagang inabangan ng mga residente at turista sa isla.