Tumanggi muna si Presidential Spokesman Harry Roque na pag-usapan kung kailan isasapubliko n i Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at iginiit na nakapokus ang gobyerno sa pagtugon sa pangangailangan ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly.
Sinabi ni Sec. Roque, saka na pag-usapan ang SALN ni Pangulong Duterte at tutukuna muna ang bagyo.
Ayon kay Sec. Roque, nakapaghain na si Pangulong Duterte ng SALN sa Office of the Ombudsman at wala itong itinatago.
Kasabay nito, tiniyak ni Sec. Roque na kahit hindi nagpakita sa publiko si Pangulong Duterte sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly, patuloy itong nagtatrabaho at nakatutok sa sitwasyon.
“Saka na natin pag-usapan ‘yan, dito na muna tayo sa bagyo,” ani Sec. Roque.