-- Advertisements --

Bumulusok ang bilang ng mga nag-abang ng Emmy Awards sa Amerika na nagkaroon lamang ng 6.9-milyong manonood, na pinakamababa sa kasaysayan.

Ayon sa isang survey, bumaba ng mahigit 32% ang TV audience ng seremonya kumpara noong nakaraang taon.

Posible rin umanong nakaapekto rito ang pagsabay ng programa sa “Sunday Night Football” na nakatipon naman ng 16.3-milyong viewers.

Gayunman, patok naman daw sa social media ang awards night dahil tumaas ng 11% ang interaction sa mga social media platforms.

Matatandaang humakot ng awards ang sikat na fanstasy epic TV series na “Game of Thrones,” maging ang British comedy show na “Fleabag.”