-- Advertisements --

Pinabulaanan ng TV host KC Montero na dumalo ito sa kasiyahan at lumabag ito sa quarantine health protocol.

Ito ay matapos na kasama siya sa mahigit 100 katao na inaresto ng Makati City PNP na inireklamo ng hindi pagtupad ng physical distancing sa isang resto-bar sa nasabing lungsod nitong Linggo.

Sinabi ni Makati police chief Oscar Jacildo, nakatanggap sila ng reklamo na nagkakaroon ng pagtitipon sa isang resto-bar sa 18th floor ng condominium sa Salcedo Village ng Barangay Bel-Air.

Paliwanag pa ni Montero o Cassey Miller sa tunay na buhay, nagtungo lamang siya kasama ang asawa para kumain lamang.

Paliwanag naman ng may-ari ng resto bar na sinunod lamang nila ang panuntunan kung saan mayroong 800 na puwedeng i-accomodate ng kanilang lugar at 20 percent lamang ang kanilang pinapasok o nasa 200 katao lamang.

Kinabiblangang ng mga naaresto ang 91 na customers at 19 empleyado.