-- Advertisements --
Ryan Seacrest
Ryan Seacrest/ IG post

Nagbigay ng $1 million o mahigit P50 million na donasyon si Ryan Seacrest para sa frontliners at ibang relief operations.

Ang nasabing halaga ay mabebenepisyuhan ang mga residente ng New York at Los Angeles.

Sinabi pa ng TV and radio host na may malaking lugar sa kaniyang puso ang LA at New York.

Sa nasabing halaga $750,000 dito ay para sa pagkain ng mga 200 emergency medical technician at mga first responders ng New York City Fire Department.

Bukod sa nasabing “American Idol” host ay nagbigay na rin ng mga donasyon sina Lady Gaga, Rihanna at Matthew McConaughey.