Iniulat ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para ipatupad ang mga probisyon ng Executive Order #34 ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na bumuo na sila ng technical working groups para sa maayos na pagpapatupad ang mga probisyon ng Executive Order No. 34 ni PBBM
Naglalayon itong maging mas mabilis ang pagtukoy sa mga lupain na pag-aari ng gobyerno para sa mga programa nitong pabahay sa mga mahihirap na Pilipino.
Sa isang pahayag, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang TWG ay mamumuno sa identify at vetting ng mga lupain na pagmamay-ari ng gobyerno para sa mga pabahay project human settlements at urban development.
Ito aniya ay binubuo ng mga eksperto sa kalikasan land use, urban planning and development, public housing and settlements at Programang Pambansang Pabahay para sa Pilipino.
Magmumula ang mga ito sa parehong central at regional offices ng departamento.
Batay sa inilabas na EO 34 ng punong ehekutibo ng bansa , inaatasan nito ang DSHUD na pangunahan ang mga gawaing may kinalaman sa idle land inventory.
Sinabi rin ni Sec. Acusar na pinag susumite nya ang TWG ng mga listahan ng mga lupaing maaaring pag tayuan ng mga proyektong pabahay human settlements at urban development na sumailalim sa acquisition at development.