-- Advertisements --

Hindi kasama sa show ng Kpop Group na Twice ang isa nilang miyembro na si Chaeyoung.

Ayon sa JYP Entertainment ang talent agency ng grupo na mayroon pa itong sakit.

Labis naman silang nalungkot sa hindi pagsama ng isang miyembro ng sikat na Kpop Group.

Magsasagawa kasi ng show ang group ngayon Setyembre 30 at Oktubre 1 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Nitong Biyernes ng umaga ng dumating ang walong ibang miyembro ng grupo na sina Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun at Tzuyu.

Nagsimula ang grupo noong 2015 at pinasikat nila ang mga kantang “What is Love”, “Cry For Me”, “Cheer Up” at maraming iba pa.