-- Advertisements --

Mariing kinondena ngayon ng MalacaƱang ang nangyaring pagpapasabog sa kampo ng militar sa Sulu na ikinamatay at ikinasugat ng ilang katao.

“We condemn in the strongest possible terms the explosion that occurred in a military base in Sulu, which killed and wounded scores of people,” ani Sec. Panelo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa report ng mga otoridad, lumalabas na teroristang grupong Abu Sayyaf ang nasa likod ng nasabing karahasan.

Ayon kay Sec. Panelo, puspusan ang gagawing pagtugis ng gobyerno sa mga terorista hanggang wala na silang matakbuhan.

Tiniyak ni Sec. Panelo na gagamitin ng gobyerno ang lahat nitong pwersa para durugin ang mga kalaban ng estado at kanilang mga taga-suporta para makamit ang inaasam na kapayapaan sa rehiyon.

“We will pursue them and all other terrorist groups that sow and instill fear among our people. We will run after them until they can run no more. The government will harness all its might to destroy the enemies of the state as well as their supporters to secure lasting peace in the region,” dagdag ni Sec. Panelo.