-- Advertisements --
Batanes quake

Inirerekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa local government unit ng Batanes na ideklara ang state of emergency sa nasabing lalawigan.

Ito’y kasunod ng serye ng malakas na pagyanig nitong Sabado na nag-iwan na ng walong kataong patay.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, ito ay upang mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong mula sa iba pang national government agencies.

“We are recommending that the local government unit consider a state of calamity,” ani Jalad.

Nabatid na 911 families o katumbas ng 2,963 individuals ang inilikas bunsod ng magkakasunod na lindol.