-- Advertisements --

Nabiktima ng mga hackers ang Twitter account ni Indian Prime Minister Narendra Modi.

Ito ay matapos ang magkakasunod na Tweet na humihingi sa kaniyang followers na mag-donate ng cryptocurrency para sa relief fund.

Ayon sa Twitter, na gumawa na sila ng hakbang para ma-secure ang nasabing account.

Magugunitang noong Hulyo ay pinasok ng hackers ang Twitter account nina dating US President Joe Biden at Tesla founder Elon Musk.