-- Advertisements --

Tinanggal ng Twitter ang video na ni-retweet ni US President Donald Trump na naglalaman ng kanta ng bandang Linkin Park na “In The End”.

Mula sa account ni Dan Scavino ang White House Media Director, ang nasabing Tweet.

Magugunitang ikinagalit na ng Linkin Park ang paggamit ni Trump ng kanilang kanta sa political campaign nito at sinasabing hindi nila iniindorso ang pangulo.

Bukod pa aniya sa banda ay nagbabala rin ang ilang mga banda na magsasampa ng kaso laban kay Trump kapag ginamit nila ang kanilang kanta.