-- Advertisements --

Bumaba sa kaniyang puwesto si Twitter CEO and founder Jack Dorsey.

Ito ang kinumpirma ng isang opisyal ng Twitter kung saan bukod sa nasabing social media ay CEO rin si Dorsey ng Square na isang financial service at digital payments company na nakabase sa San Francisco.

Matapos ang paglabas ng balita ay tumaas sa 11 percent ang stock ng kumpanya.

Magugunitang noon pang nakaraang taon ay nais ng Elliot Management ang stakeholder ng Twitter na tanggalin si Dorsey.

Taong 2006 ng itinayo ang Twitter ni Dorsey, Biz Stone, Noah Glass at EV Williams at hanggang 2008 ang pananatili ni Dorsey bilang CEO.

Bumalik siya sa CEO ng Twitter noong 2015 at tinayo niya ang Square.