-- Advertisements --
Permanenteng sinuspendi na ng social media na Twitter ang account ni outgoing US President Donald Trump.
Napagdesisyonan ito ng Twitter matapos ang kanilang isinagawang pagsusuri ng mga Tweet nito mula sa @realDonaldTrump account.
Gumawa ng paglilinis ang Big Tech sa mga online platform na ginamit ni Trump at ng kanyang mga tagasuporta.
Ipinapanawagan naman ng ilang mga mambabatas at kilalang tao na i-ban Twitter ang account ng Republican President.
Tinawag naman ni Trump 2020 campaign adviser Jason Miller na “nakakadiri” ang nasabing panawagan.
Sa twitter account ni Trump bilang presidente na tinaguriang @POTUS, ang kanyang followers ay umaabot sa 33.4 million.