Nangako si US President Joe Biden na tutulong ang kaniyang administrasyon na maitaguyod muli ang Gaza.
Sinabi rin nito na ang paglikha ng isang estado ng Palestinian kasama ang Israel ang “tanging sagot” sa hidwaan.
Hinimok din niya ang Israel na ihinto ang “pakikipag-away sa isa’t isa” sa flashpoint city ng Jerusalem.
Binigyang diin niya na “walang pagbabago sa kaniyang pangako sa seguridad ng Israel.”
Idinagdag pa rito na hindi makakamit ang kapayapaan hanggang may pag-aalinlangan ang Palestinian na kilalanin ang pagkakaroon ng Israel.
Aniya, ang ideya na “two-state solution” kung saan ay isang soberenyang estado ang Palestinian sa tabi ng Israel, at ang Jerusalem bilang kanilang nakabahaging kabisera— ay naging batayan ng mga dekada ng international diplomacy na naglalayong wakasan ang alitan ng Israel-Palestinian.
Ang nasabing plano ay tinanggihan naman ng mga Palestinian leaders.
Iginiit ngayon ni Biden na maisakatuparan ang dalawang two state remedy upang makamit ang kapayapaan at matapos ang hidwaan. (with reports from Bombo Jane Buna)