-- Advertisements --

Binuhat ni Tyler Herro ang Miami Heat upang ibulsa ang panalo laban sa Chicago Bulls at lalo pang lumapit sa 2025 Playoffs, 109 – 90.

Gumawa ng 38 points ang Miami sharpshooter, kung saan naipasok nila ang 13 mula sa 19 shots na pinakawalan.

Sa unang kalahating bahagi pa lamang ng laban ay kontrolado na ng Miami ang opensa at nagawa ng koponan na tambakan ang Bulls ng 24 points, 71 – 47.

Bahagyang nakabawi ang Bulls sa ikatlong kwarter at naibaba nila sa 14 ang deficit, ngunit tuluyan ding ibinalik ng Miami ang episyenteng opensa sa huling quarter at muling nailayo ang lead.

Sa pagtatapos ng laban, hawak na ng Miami ang 19 points na kalamangan at nakatakdang labanan ang Atlanta Hawks para pag-agawan ang ikawalong puwesto sa eastern conference.

Hindi naman naging sapat ang 25 points at sampung rebounds na ginawa ni Bulls guard Josh Giddey sa 40 mins na pagbabad sa kaniya sa hardcourt.

Maalalang kahapon (April 16) ay natalo ang Hawks sa Orlando Magic at napunta sa Magic ang seed No. 7 sa eastern conference.

Ang tuluyang mananalo sa pagitan ng Hawks at Miami ang tuluyang uusad sa ikawalong pwesto at kukumpleto sa playoffs bracket sa naturang conference, hudyat para sa pag-usad ng Playoffs 2025.