LA UNION – Hindi man masyadong naramdaman ang epekto ng pagdaan ng bagyong Jenny sa buong lalawigan ng La Union ay nanatili pa rin na suspendido ang klase sa lahat ng antas ng paaralan at maging ang pasok sa mga lokal na sangay ng pamahalaan.
Sa buong magdamag ay nakaranas ng maulap na himpapawid at mahinang pag-ambon ang lalawigan.
Samantala, nagpapasalamat naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa walang nasalanta ang dumaang bagyo sa lalawigan sa kabila ng paghahanda.
Pinapayuhan na lamang ng lokal na pamahalaan ang mga residente na manatiling nakaantabay sa mga mahahalagang anunsyo o babala mula sa mga kinauukulang ahensya kahit na papalabas ng bansa ang bagyo.
Pinagbabawalan pa rin ang mga mangingisda na pumunta sa karagatan dahil sa mga naglalakihang alon.
Wala mang pasok sa mga paaralan at ibang sangay ng lokal na pamahalaan ay tuloy naman ang normal na kalakalan sa buong lalawigan ngayong araw.