-- Advertisements --

Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang typhoon Josie na may international name na Nanmadol.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ganap na alas-5:40 ng hapon nitong Biyernes nang ganap na makapasok ang sama ng panahon sa karagatang sakop ng ating bansa.

May taglay itong lakas ng hangin na 175 kph at may pagbugsong 215 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis lamang na 10 kph.

Pero inaasahang agad din itong lalabas sa Philippine territory pagkalipas ng ilang oras.