-- Advertisements --

Inaasahang magdadala ang Typhoon Kong-rey ng malakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa Shanghai at iba pang parte ng east coast ng China ngayong araw ng Biyernes, Nobiyembre 1.

Ayon sa National Meteorological Center ng People’s Republic of China, tinahak ng bagyo ang hilagang silangan direksiyon sa may Chinese coast na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 83 kilometers per hour at maaaring mag-landfall sa Zhejiang province bago lumiko pabalik sa dagat.

Inaasahang makakaapekto ang bagyo sa Shanghai at ilang lugar pa sa Zheijang at Jiangsu provinces na may dalang malakas na pag-ulan na nasa 10 hanggang 12 centimeters.

Kaugnay nito, nag-suspendi na ang Zhejiang at karatig nitong probinsiya na Fujian ng mga biyahe ng iba’t ibang ferry bago pa man ang pagtama ng bagyo.