-- Advertisements --

Lumakas pa lalo si Typhoon Marce habang patuloy na lumalapit sa mga lugar sa Northern Luzon partikular na sa Northeastern na bahagi ng lalawigan ng Cagayan.

Inasahang magdudulot ito ng matinding pinsala sa mga lugar na dadaanan nito dahil sa dami ng ulan at lakas ng hangin na dala-dala nito.

Pinapayuhan natin ang publiko na lumikas na kung kinakailangan, lumayo sa mga lugar na prone sa pagbaha at pagguho ng lupa para makaiwas sa disgrasya.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 km East of Aparri, Cagayan.

Ito ay may lakas na ng hangin na umaabot sa 175 km/h malapit sa gitna at pagbugsong pumapalo na sa 215 km/h.

Kumikilos ang bagyo pa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na10 km/h.

Dahil sa patuloy na paglapit ng bagyo, ilang lugar na sa Luzon ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 4.

Kabilang na dito ang northern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern portion ng Apayao, at northern portion ng Ilocos Norte.

Malakas na hangin at pag-ulan ang aasahan sa mga nabanggit na lugar dahil sa epekto ni Marce.

Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 naman ang nakataas sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan,nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, northern portion ng Abra at northern portion ng Ilocos Sur.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Northern at central portions ng Isabela , nalalabing bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao, the northern portion ng Benguet , nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, at northern portion ng La Union.

Habang nakabandera naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Ifugao, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora , northern portion ng Nueva Ecija , at northern portion ng Zambales .

Inaasahang maglalandfall si MARCE sa Babuyan Islands o northern portions of mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao ngayong hapon hanggang bukas ng madaling araw.

Sakali man na hindi maglandfall si Marce sa mga nabanggit na lugar, makararanas pa rin ito ng life threatening conditions dahil sa lakas ng hangin na dala nito.

Posible rin ang itong magdulot ng storm surge at torrential rainfall .

Pagkatapos na dumaan sa northern portion ng Northern Luzon, magtutuloy tuloy na ito sa pagkilos pa westward papalabas sa PAR bukas ng hapon o gabi.