Kinumpirma ng state weather bureau na nag-landfall ang typhoon Marce sa Santa Ana Cagayan nitong hapon ng Huwebes.
Bandang alas-3:40 ng hapon ito nang tumama ang sentro o mata ng bagyo sa nasabing bayan.
Taglay nito ang typhoon intensity na 175-240 kph.
Una rito, nag-deploy pa ang ahensya ng storm chaser sa probinsya ng Cagayan.
Dito ay nakunan pa nila ang pagdaan ng mata ng bagyo, kung saan nakitang mas kalmado ang hangin sa sentro ng isang tropical cyclone.
Batay sa paliwanag ng mga eksperto, nagiging mahina ang hangin habang dumadaan ang eye of the typhoon dahil nasa eyewall naman ang pwersa nito.
Sinasabing ang team ng mga dalubhasa ay kabilang sa mga nag-oobserba sa takbo ng bagyo upang mapag-aralan ang galaw nito bilang parte ng pagdodokumento.