-- Advertisements --
image 138

Apat na ang naitalang patay sa pananalasa ng Typhoon Nanmadol sa Japan.

Nag-landfall ang bagyo sa southwestern city sa Kagoshima at nakaranas ng napakalakas na ulan ang Kyushu region.

Inihayag ni Government spokesman Hirozaku Matsuno, na wala nang buhay nang matagpuan ang dalawa pang biktima.

Patuloy naman na pinaghahanap ng mga otoridad ang isa pang naiulat na na-missing.

Napag-alaman na nasa 114 katao na ang sugatan dahil sa sama ng panahon.

Nananatiling nasa 140,000 homes naman ang walang kuryente.