-- Advertisements --
Patuloy na mararanasan ngayong gabi sa Cagayan Valley ang hagupit ng typhoon Ofel, matapos mag-landfall kanina sa Baggao, Cagayan.
Nabatid na bandang ala-1:30 ng hapon nang tumama sa lupa ang sentro ng bagyo.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 240 km/h.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 km/h.
Malaking bahagi ng Northern Luzon ang nasa ilalim ngayon ng tropical cyclone wind signals dahil sa bagyong Ofel.